Linyang Narita

Linyang Narita
成田線
Image
Isang E259 series EMU Narta Express sa Linyang Narita, Septyembre 2010.
Buod
UriKomyuter/Mabigat na daangbakal
LokasyonPrepektura ng Chiba
HanggananChiba
Chōshi
(Mga) Estasyon27
Operasyon
Binuksan noongEnero 19, 1897
May-ariJR East
Teknikal
Haba ng linya119.1 km
Luwang ng daambakal1,067 mm (3 ft 6 in)
Pagkukuryente1,500 V DC overhead
Bilis ng pagpapaandar85-95 km/hr
Mapa ng ruta

Ang Linyang Narita (成田線, Narita-sen) ay ang pangalan ng pinagsamang tatlong linyang daangbakal na makikita sa Prepektura ng Chiba, Hapon. Pagmamay-ari ito ng East Japan Railway Company (JR East).

Pinag-uugnay ng pangunahing linya ang Estasyon ng Sakura at Estasyon ng Matsugishi (bilang isang alternatibong ruta sa Pangunahing Linya ng Sōbu), at kadalasang tinutukoy na Linyang Samatsu (佐松線, Samatsu-sen). Tinatawag naman ang isang sangang linya mula sa Estasyon ng Abiko hanggang Estasyon ng Narita na Linyang Abiko (我孫子線, Abiko-sen), at kilala naman ang ikalawang sanga bilang Linyang Paliparan (空港線, Kūkō-sen) na nag-uugnay sa Narita at Estasyon ng Narita Airport. Pagmamay-ari ng JR East ang naunang dalawang linya samantalang ang Linyang Paliparan ay pagmamay-ari ng ibang kompanya, ang Narita Airport Rapid Railway, na kung saan ay pinapayagan ang JR East at Daagbakal ng Keisei na gamitin ang linya para sa mga pasahero.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy